Lumipas na pala ang dalawang dekada
Na ikaw ang aking laging kasama
Anim na taon na magkasintahan
Labing apat na taon na kasagutan.

Mga nagdaang taon na puno ng pagkukunyari
Teka, ibig ko palang sabihin ay pagpupunyagi.
Ikaw lamang ang aking kanlungan at bato
Ang aking kinontratang ipukpok sa aking ulo.

Sa aking paboritong asawa, kaibigan, kaaway at kabit.
Heto pa sa susunod na dalawampung taon
Tayo ay parang bigas at alak, mas mainam kapag laon.

Nung panahong masaya kami ;P