Whose mess is it?

No Comments

Food for thought for operations people.

If you are doing support work and using a ticketing system that doesn’t provide a link or information to contact the administrators then you become responsible for connecting that request to the administrators. You cannot expect end users who are twice-removed from the administrator team to have the means to contact them directly. The very least you can do is to ensure the concerns are forwarded to the next link in the chain and avoid shoving the end user to fumingly face a brick wall when they are given the curt response of “it is not my scope”.

Image courtesy of pxhere.com

On giving up

No Comments

Sometimes giving up is the only option. Shelving it. Lowering the priority. Putting it in the backburner for a later time.

Give up with the hope that someday might be a better day to try again; that on that fateful day you will have the numbers and support to cross the pitiful gap that for all it’s worth could be the chasm between two continents.

He will win who knows when to fight and when not to fight
– one of the essentials of victory, Sun Tzu, Art of War

Palahaw

No Comments

Gusto kong manalo sa Lotto
Hindi dahil ayoko ng magtrabaho
Kungdi dahil medyo sawa na ako
Magpaliwanag paulit-ulit sa mga tao.

Maikli na nga siguro ang aking pasensya
Marahil sadyang dahil tumatanda na
Kahit gustong idaan sa diplomasya
Kahit paimpit nais kong magmura.

Agaw-liwanag

No Comments

The camera phone might not have captured it properly but the picture below is meant to capture the dusk of a stormy day.
More

Tamang pananalita: Top One at Top Three

No Comments

Tagalugin ko para mas magkaintindihan.

Kung sa pagmamalaki sa iyong anak ay ipinangangalandakan mong siya ay “Top One” ay ibig sabihin ay TANGA KA. Oo matalino ang anak mo pero kitang-kita na di nagmana sa iyo. Mabuti na lang mareremedyuhan pa yang katangahan na yan. Maipapayo ko sumabay ka pag grammar ang lesson. Mas mahaba lang sabihin pero subukan mong sabihin na “Top of the class” ang iyong anak. Ito ay isang tanggap na idiyoma (idiom) para sa isang nangunguna sa pangkat.

Ngayon kung sakaling di naman siya ang nangunguna pero kasama sa grupo ng mga nangununa sa kanilang klase ay huwag mo naman sabihing halimbawa na “top three”  ang anak mo. Hindi naman triplets yan kasi di mo naman sinabing “mga” anak mo. Third of his/her class ang tamang pananalita na kailangang gamitin, o kung ano mang pwesto ang kinabibilangan nya. Pwede din sabihin na “kasama siya sa top five” kung gusto mong magpakumbaba at hindi tahasang sabihin kung ano ang pwesto ng anak mo (pwedeng siya ang una o pang-lima). Pero pakiusap, itigil na sana sa ikasampu. Kung lagpas na sa sampu ay wag ng ipagpilitan para lang makapagyabang. Suportahan mo na lang ang anak mo kung gusto nyang umabot at mapabilang sa “top ten” ng klase nya.

Huwag din sanang tawaging valedictorian o salutatorian ang inyong mga anak kung di naman pa siya graduating o gumradweyt ng elementary o high school. Meron lang iilang lebel o baitang ng pag-aaral na pwedeng gamitan nito. Saka ang valedictorian ay yung taong nagbibigay ng talumpating pamamaalam (valedictory coming from the root word valedictum o “pertaining to leave-taking”) habang ang salutatorian naman ang nagbibigay ng talumpating panimula (salutation). Nagkataon lamang na sa Pilipinas ang top two sa nakuhang grade point average ang binibigyan ng karangalan na gawin ang mga ito.

Ulitin natin:

  • Top One : para kang tanga pag ginagamit mo ito. Nangunguna sa laban na iisa lang ang kasali? Parang solitaryo lang ba?
  • Top three : gagamitin lang kung gusto mong ipatungkol ng sabay-sabay dun sa tatlong pinakamataas.
  • Valedictorian at Salutatorian : ginagamit lang sa mga miyembro o naging miyembro ng isang graduating class. Pwedeng isang mag-aaral, guro o kahit sinong bisita.

Ngayon kung estudyante ka pa pero gumagamit ka ng ganitong pananalita ay maipapayo ko na: anak mag-aral-aral din paminsan-minsan at hindi puro facebook at computer games lang ang inaatupag.

ciao!

Older Entries

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com