Naisip ko lang
Jun 12
Top of my head emo, musings, sentiments No Comments
Ito ay kwento ng isang batang matigas ang ulo.
Nangarap, naghirap, bumuo ng mga plano.
Nagsimula sa baba, nagtyaga sa trabaho
Nagsunog ng kilay; puyat at pagod ay inilako.
Di pagmamayabang, may angking kagalingan
May tereng ang isip kung ano-ano ang napagbalingan
Pero ang di maatim ay ang sumunod sa lakaran
Iwanan ang nakagisnan, sa agos ay magpatianuran.
Sa pagdaan ng panahon, binantayan ang sariling pwesto.
Sa mga paanyayang umakyat di laging umaamo.
“Kayo na lang, masaya na ako dito
Di naman ako sasaya sa iyong mga pangako.”
Ngunit di namalayan na sa oras na tumatakbo
Ang sistemang hinindian ay di naman humihinto
Unti-unting nilulukuban ang kanyang pagkatao.
Isang umaga ay nagising na lang ang batang katoto
Tumingin sa nadaanan,nagiisip kung nasaan na ako.
Di naman dito nagtatapos ang kwento
Pero kung ano kakahitnan, di ko pa napagtatanto.
Bitin. 🙂