Dearly Departed

No Comments

Kahit may kurot, may pait na di ko mawari
Aalis ako na mayroong mga aral na maiiwanan
Mga kaalamang naibahagi, mga karanasan na pinagsamahan.

Lilisan akong may pagmamayabang
Dahil ang pangkat na sinimulan ay di na pwedeng daan-daanan.

Matatag na sila, kaya ng tumayo
Kaya ng mag-isip, kaya ng gumawa ng sariling desisyon.
Di na mga bata na animoy laging nakanganga
Naghihintay ng utos mula sa kanilang mga ate at kuya.

Alam ko na malayo pa para maging perpekto
Madadapa ulit, minsan dahil sa mismong kagagawan mo
Ngunit alam ko na di kayo papasupil, hindi susuko
Babangon sa pagkakalugmok na may napulot na bagong talino.

Tatlong buwan ipapamalagi na naging limang taon.
Di ko inakala o inasaahan ang bilis ng panahon.
Dinatnan, iniwan, naghubog at nagpakawala.
Parang inang lawin sa kanyang mga inakay na alaga.

Pero hindi, di yata bagay na ako ay ihambing
Sa isang nilalang na mapagkalinga at malambing
Mas maganda siguro na ikumpara sa isang sarhento
Hinahanda ang mga kadete sa mga hamon ng trabaho.
Sa tagisan ng talino, tibay ng loob at galing.
Ngunit may nakaabang na tapang na hindi pwedeng salingin.

Lilisan na ako dahil ito na ang tamang oras.
Bibitbitin ang aking mga gamit at sarili.
Panahon na para magsimula ulit maghanap ng mga bagong kasapi
Uulitin ang pagbuo ng isang grupong katangi-tangi.

Aalis na ako, pero hindi ako mamamaalam.
Dahill maliit lang ang mundong ating ginagalawan.
Nais ko na sa muling pagkurus ng ating mga daan.
Kwentuhan mo ako ng iyong mga natatanging karanasan.
Ipabatid mo sa akin na wala kang oras na sinayang
Gusto kong mamangha sa mga problemang nilampasan
Mga bagong kakayahan… O luma man pero iyong nilinang….
Mga hindi pinalampas na oportunidad at pagkakataon
Na sana kung iisipin, dahil ako ay yumao.

Salamat UPEM.

https://goo.gl/photos/zBZ1L6suECJU7hSY6

“Once UPEM, always UPEM”
– Pansol battlecry