Tamang pananalita: Top One at Top Three

No Comments

Tagalugin ko para mas magkaintindihan.

Kung sa pagmamalaki sa iyong anak ay ipinangangalandakan mong siya “Top One” ay ibig sabihin ay TANGA KA. Oo matalino ang anak mo pero kitang-kita na di nagmana sa iyo. Mabuti na lang mareremedyuhan pa yang katangahan na yan.
Maipapayo ko sumabay ka pag grammar ang lesson. Mas mahaba lang sabihin pero subukan mong sabihin na “Top of the class” ang iyong anak. Ito ay isang tanggap na idiyoma (idiom) para sa isang nangunguna sa pangkat.

Ngayon kung sakaling di naman siya ang nangunguna pero kasama sa pinakamatalino sa kanilang klase ay wag mo naman sabihing top three ang anak mo. Hindi naman triplets yan kasi di mo naman sinabing “mga” anak mo. Third of his/her class ang tamang pananalita na kailangang gamitin, o kung ano mang pwesto ang kinabibilangan nya. Pwede din sabihin na “kasama siya sa top five” kung gusto mong magpakumbaba at hindi tahasang sabihin kung ano ang pwesto ng anak mo (pwedeng siya ang una o pang-lima). Pero pakiusap, itigil na sana sa ikasampu. Kung lagpas na sa sampu ay wag ng ipagpilitan para lang makapagyabang. Suportahan mo na lang ang anak mo kung gusto nyang umabot sa “top ten” ng klase nya.

Huwag din sanang tawaging valedictorian o salutatorian ang inyong mga anak kung di naman pa siya graduating o gumradweyt ng elementary o high school. Meron lang iilang lebel o baitang ng pag-aaral na pwedeng gamitan nito. Saka ang valedictorian ay yung taong nagbibigay ng talumpating pamamaalam habang ang salutatorian naman ang nagbibigay ng talumpating panimula. Nagkataon lamang na ang unang pinakamataas ang nakuhang marka ang binibigyan ng karangalan na gawin ang mga ito.

Ulitin natin:

  • Top One : para kang tanga pag ginagamit mo ito. Nangunguna sa laban ng nag-iisa? Parang solitaryo lang ba?
  • Top three : gagamitin lang kung gusto mong ipatungkol ng sabay-sabay dun sa tatlong pinakamataas.
  • Valedictorian at Salutatorian : ginagamit lang sa mga miyembro o naging miyembro ng isang graduating class. Pwedeng isang mag-aaral, guro o kahit sinong bisita.

Ngayon kung estudyante ka pa pero gumagamit ka ng ganitong pananalita ay maipapayo ko na mag-aral-aral din paminsan-minsan at hindi puro facebook at computer games lang ang inaatupag.

ciao!

Mandaluyong Central Post Office – Contact number

No Comments

Most internet search hits are still showing up with the Mandaluyong Post Office number which is +63 2 719 0716. This number is no longer operational. If you need to call them to validate postal notifications then the following number was provided by the PhilPost customer care: +63 2 535 2131.

Realization

No Comments

It will pass away
The feeling of uselessness
My reality.

Facade

No Comments

A fortress inside
Hiding my thoughts and desires
Self-imposed prison

Law of diminishing distance

No Comments

There is an implicit law and unseen forces in nature that increases the intensity of the urgency to take a crap as the distance decreases between your vehicle/position and your home or the nearest toilet.

Ever heard of the male trick of thinking about other things to delay “satisfaction”?It doesn’t work against the law of diminishing distance.

Older Entries